PUP Rock Out Cancer
- Stella Mares Sarmiento
- Oct 23, 2015
- 1 min read
Naganap ang inaabangan na PUP Rock Out Cancer noong Oct. 3, 2015 sa PUP Sta. Mesa Oval. Ang tiket ay naghahalaga lamang ng 100 piso. Mahigit kumulang 11,000 ang dumalo upang makisaya sa nasabing konsert. Ang benefit ng nasabing palabas ay mapupunta sa Cancer Warriors Foundation.
Matagumpay ang mga nag organisa ng okasyon na mga estudyanteng nasa ikatlong taon pa lamang ng kanilang pagaaral ng Advertising at Public Relations. Ang kanilang mabuting adhikain ay naisakatuparan ng kanilang paghihirap at dedikasyon.
Syempre, hindi rin makukumpleto ang tagumpay kung wala ang mga bandang nakilahok sa pakikipagtulungan ng mga tao para sa mga pasyente ng kanser. Sa madamong lapag at istage, nang aliw ang maligalig na host at ang mga banda na tumugtog ng kanikanilang musika ay Urbandub, Silent Sanctuary, Mayonaise, Tanya Markova, at iba pa. Napuno ang padiriwang ng musika at mga taong pare-parehong humahagad na mapagaan ang buhay ng kanilang mga kapwa.
Ang tugtugan ay nagsimula ng tanghaling tapat ay nagtapos ng papalapit na ang madaling araw. Ang nasabing pagdiriwang ay nagtagal ng halos 12 oras.
Comments