top of page

"Gagawin para sa kanila, hindi sila ang magsisilbi kundi ako ang magsisilbi sa tao"

  • Joyce Lago
  • Oct 22, 2015
  • 2 min read

Si Anna Lizza "leslie" Gutierrez Yambao ay isang simpleng tao na iniluklok dahil sa matibay na tiwala ng sambayang tao. Naniniwala siya na ang Diyos ang dahilan kung bakit siya nasa mundo ng politika.

Nagmula si Leslie Gutierrez Yambao sa pamilya ng mga politiko, mula sa kanyang lolo na si Otoy Gutierrez na naging mayor sa Malabon 16 na taon bago martial law. Ang kanyang ina na si Winnie Gutierrez-Yambao ay naging bise mayor ng Malabon ng matagal, katulad din ng kanyang kapatid na si Jay-jay Yambao, naging bise mayor din ito at di kalaunan ay naging acting mayor ng matagal, naging parte din ito National Government subalit nang dumating ang eleksyon hindi tumakbo si Jayjay sa mataas na posisyon at dito na pumasok si Leslie sa mundo ng politika. Siya ang pinatakbo upang humalili sa kanyang kuya na umalis sa mundo ng politika. Tumakbo siyang konsehala ng unang distrito ng Malabon.

Sa kanyang pagpasok sa pulitika, hindi na bago sa kanya ang pamamalakad ditto dahil, lumaki siyang naglilingkod sa mamamayan. Madami siyang natutunan sa kanyang magulang kaya't nailapat niya din ito sa mundong pinasukan niya, isa na dito ang gawin at ituro ang tama para sa kapakanan ng mga taong nagtiwalang ibigay ang boto nila sa kanya. Naniniwala din siyang itininadhana ng Panginoong Diyos ang

posisyon na iyon sa kanya, ayon sa kanyang pahayag, "kung hindi niya ako tinuro sa landas na ito, siguro wala ako dito, sabihin na nating marami tayong pera, kung hindi binigay ng diyos, hindi. Miski walang pera, kung gusto kang ilagay ng diyos sa pwestong iyon, meron at merong paraang mangyayari para malagay sa pwesto na iyon."

Hindi madali ang buhay pulitiko, madaming kaakibat na salita at panghuhusga sa bawat galaw na gagawin. Maari pang malagay sa peligro ang buhay ng isang pulitiko dahil sa ka-kumpetensya at mga nasasagasaang ibang prominenteng tao. Ayon kay konsehala, "bilang isang kabataang Malabonian, kung ano ang nakita niyong maling ginawa ng nakakatanda, wag gagawin ng bata. Basta sa tingin mo at alam mong tama ka, kahit may sagasaan ka , nasa tuwid ka, ipagpatuloy mo dahil nalalaman ng tao. "Bilang pulitiko, tibay ng loob at pikit matang haharapin ang butas ng karayom upang maisakatuparan ang mga planadong reporma para sa bayan. Isang Maka-Diyos, Maka-bayan, Maka-tao at Maka-kalikasang tao si Konsehala Leslie Yambao, naglilingkod ng buong puso sa nasasakupan at tapat sa bayan.

 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic

© 2023 by SMALL BRAND. Proudly created with Wix.com

bottom of page