Aborsiyon Hindi Ito Ang Solusyon
- Pooled Editorial
- Oct 19, 2015
- 1 min read

Sa patuloy na paglaki ng bilang ng tao sa ating bansa, sapat na bang dahilan ang pagtanggap at pagtangkilik nating mga Pilipino sa konsepto ng aborsyon upang masolusyonan ang walang katapusang paglobo ng populasyon? Wala na ba tayong ibang solusyon kundi mangpaslang ng mga inosenteng supling?
Ang aborsyon ay ang pagpatay sa walang kamuwang-muwang na sanggol sa sinapupunan ng mga ilaw nang hindi man lang nabibigyan ng pagkakataon na masilayan ng bata ang ganda ng buhay, kung kaya't hindi na nakapagtataka na marami sa atin ang tumututol pag dating sa usapang aborsyon. Kung ito ay maipapatupad, makakalimutan natin na responsibilidad natin ang mga bagay na ginagawa at gagawin natin. Mawawalan na ng halaga ang metikulosong paraan ng pagawa ng mga desiyon at ang malakas na panghawak sa mga kundisyon. Kung nagawa ninyong bumuhay ng isang tao, hindi ibig sabihin nito ay may sapat na kayong karapatan upang bawiin ang buhay ng sanggol na ito. Walang kasalanan ang mga inosenteng bata na bunga ng kapabayaan ninyo. Katulad natin, may karapatan din silang masilayan ang magandang buhay. Wag natin itong ipagkait sa kanila. Bawat buhay ay biyaya at bawat buhay ay may kaakibat na gampanin sa buhay ng iilan sa atin.
Comments