top of page

Tatak Pinoy!

  • by Nathalie Grace B. Adalid
  • Oct 22, 2015
  • 2 min read

Umaarangkada na ang mga Pinoy sa larangan ng isports. Kabi-kabila na ang pag-sungkit nila sa mga tropeyo at kampyonato. Sari-sarili na rin ang pagtatatak ng mga pangalan sa mundo nang isports at higit sa lahat laban kung laban ang mga pambato nating Pilipino sa kahit na anong larangang sinasalihan. Gilas Pilipinas, Azkals, si Michael Martinez at iba pang atletang Pilipino ang ilan lamang sa gumagawa nang pangalan sa mundo nang isports.

Hindi na nga mapipigilan ang pag-ungos ng mga Pilipino sa iba't ibang atleta sa buong mundo. Kamakailan lamang ay nakipagsagupaan ang Gilas Pilipinas sa iba't ibang bansa sa ASIA at ngayon, kahit na natalo sa ilang laro ay paniguradong panalo pa rin sila sa ating mga Pilipino.

Di rin pahuhuli ang laban ng Philippine Men and Woman Volleyball Team na nakapasok sa SEA Games 2015 kung saan nagpamalas sila nang aking galing at abilidad. Hindi rin pahuhuli ang ilang boksingero na sumali sa Pride 33 kung saan di lang umaaapoy na laban ang ibinigay kundi isang kagila-gilalas at nagbabagang laban kung saan nakamit nila ang sari-sariling kampyonato.

Marami pang grupo o team ang nag-uumpisang gumawa nang pangalan sa larangan ng isports. Isa na diyan ay ang Azkals na nagbibigay ng isang magandang laro sa bawat koponang makakalaban. Di naman pahuhuli ang tulad nila Michael Martinez na kinilala na nga sa mundo ng yelo gayun din ang umuusbong na fil-aussie golfer na si Jayson Day nariyan din si Donnie Nietes na kasalukuyang isa na sa pinakamagaling na Pilipino boxer bukod pa kay Manny Pacqiao na siya namang tinuturing na isa sa pinakamagaling na boksingero sa buong mundo.

Sa kasalukuyan maituturing na tayong isa sa magagaling na manlalaro at atleta sa larangan ng isports. Di tulad noon, ang mga Pilipino ngayon ay may ipagmamalaki na. Kaya na natin sabayan ang magagaling at naglalakihang mga dayuhan ngunit iba na ngayon dahil sa kasalukuyan, ang mga Pinoy ang gumagawa na nang pangalang itatak sa mundo ng isports.


 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic

© 2023 by SMALL BRAND. Proudly created with Wix.com

bottom of page