top of page

Ang Perya at ang Kumpanya

  • Joyce Lago
  • Oct 22, 2015
  • 2 min read

Hayskul, ika nga nila, ito ang pinakamasayang karanasan sa mundo ng pag-aaral. Dito ay mararanasan mo ang lahat ng kalokohan at kalungkutan pagdating sa iba't-ibang bagay. Kumpara sa kolehiyo, dito ay kumplikado. Seryoso sa lahat ng bagay, malayo sa buhay hayskul na wala halos alalahanin kahit makakuha ka ng palakol na may pang-gatong. Ito din ang huling bahagdan patungo sa tagumpay at mga bagay na gusto mong marating sa hinaharap.

Mahigit tatlong buwan na ang nakalilipas simula nang pumasok ako sa kolehiyo. Kay bilis ng inog ng mundo, kung dati’y sa perya lang ako nagtra-trabaho ngayo’y bigatin, nagsisimula na ko sa isang kumpanya. Ganyan ko ihalintulad ang pag-pasok ko sa kolehiyo at pag-lisan ko sa hayskul , napakalaking pagkakaiba ng dalawang mundong yon. Alam niyo kung bakit? Sa hayskul kasi, kailangan mong pumasok araw-araw para mapunan mo ang pamantayan ng iyong tagapag-gabay, gumawa ng mga takdang-aralin, proyekto at sumali sa mga iba’t ibang extra-kurikural ng paaralan. Napakasaya ng hayskul, dito din kasi natin makikita yung mga barkada, pag-ibig, kaaway, alak, sigarilyo at kung anu-ano pa. Mundo ito ng pasimulang pagbabago, ginagawang palaruan ito ng mga kabataang galing elemetarya patungong kolehiyo. Nasabi ko bang parang perya ang hayskul? Madaming sasakyang panlaro ang pwede sakyan at laruin, iba-ibang pagkain na pwedeng tikman. Sarap, takot, lungkot at saya, mararamdaman mo ito sa peryang pinasukan mo. Ikumpara natin ito sa bagong mundong ginagalawan ko sa kasalukuyan. Sa kolehiyo, sariling sikap at pagpapasya sa bawat hakbang na aking tinatakhak,

dahil sa sarili ko mismo nakasalalay kung papasa ba ako o hindi. Masaya sa umpisa, tipong parang hayskul subalit habang tumatagal pahirap ng pahirap. Hindi na kagaya ng hayskul na madadaan sa pakiusap ang lahat, madaming ekstensyon at konsiderasyon na ibinibigay. Naihalintulad ko ang kolehiyo sa kumpanya dahil sa lugar na ito, kung hindi mo gagalingan at seseryosohin ang trabaho mo, hindi tataas ang posisyon mo, mananatili kang taga-timpla ng kape at taga-linis. Kung dati'y ang paligid mo ay puro laruan ngayon ay samu't saring papeles na dapat ay matapos sa takdang oras at panahon na binigay ng guro. Ang galing diba? Pinalasap tayo noon ng apat na taong paglalaro ngayon, apat na taong paghihirap naman. Mundo ng kamuwangan itong kolehiyo, akala ko noong nagtapos ako ng hayskul ay madami na kong alam , na gamay ko na ang mga bagay bagay, yun pala hindi , mang-mang pa din pala ako. Hinuhulma ako dito upang maging produktibo at maging esensiyal sa bansa at sa pamilya ko, maging sa sarili ko. Ang galing diba po? Ito pala ang mundo ko ngayon, mula sa pagiging isip bata na laro lang ang alam sa perya ay papunta na sa totoong mundo ng buhay bilang isang responsable at hulmadong tao.

Ako ngayon ay nasa bagong mundo na kung saan madaming pagbabago na ang isinasagawa. Matinding adjustment ang ginagawa ko hanggang sa ngayon dahil iba't ibang tao ang nakakasalamuha ko sa araw-araw. Sa mga propesor na napakastrikto at lalo na sa estado ng pag-aaral, napakadaming gawain, iba-ibang araw na pasok at walang katapusan biyahe. Matinding adjustment talaga ang kailangan at ginagawa ko sa ngayon upang makibagay sa bagong lipunang aking kinabibilangan. Grabe lang ano po? Ito ang mundo ng kolehiyo, madaming balakid , madaming hamon at ito ang mga bagay na magpapatatag sayo upang mapagtagumpayan mo ang kolehiyo.


 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic

© 2023 by SMALL BRAND. Proudly created with Wix.com

bottom of page