top of page

Sentensyang kamatayan laban sa mga kriminal

  • Joyce Lago
  • Oct 22, 2015
  • 2 min read

Laganap ang krimen. Dumadami ang kriminal, madaming tao ang nasasaktan, nasasangkot at natatakot. Paano ba ito masusugpo? Bakit dumating sa puntong ito? Wala na bang makakapigil sa kanila? Huli na nga ba ang lahat upang maisa-ayos ang bansang pilipinas at maibalik sa tama ang lahat? Yung tipong, matiwasay, tahimik at ligtas. Walang karahasan, namamatay at nasasaktan. Anong solusyon sa problema ng bansa? Sa walang katapusang pagsugpo ng pang- araw araw na problema, ang krimen.

Panahon pa lamang ng kastila ay ipinanukala na ang sentensyang kamatayan sa iba’t ibang paraan, ilan ditto ay pagsunog, pagpugot ng ulo, paglunod, garote, pagbitay, pagbaril, pagsaksak at iba pa. Ito ay nagtuloy-tuloy hanggang 1986, panahon ng administrasyon ni marcos. Subalit naputol ito ng umupo bilang unang babaeng pangulo si Cory Aquino at ang lahat ng sentensyang kamatayan ay ibinaba sa reclusion perpetua o panghabangbuhay na pagkakakulong. At nang maupo na si Fidel Ramos bilang pangulo sa taong (1993-1998) ay ibinalik niya ang pagpataw ng kamatayan dahil sa tumataas na kriminalidad sa pamamagita ng Lethal Injection. Noong hunyo 2006, nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang batas na nagpapawalang bias sa parusang kamatayan kahit sang-ayon siya sa sentensyang ito dahil naniniwala siyang ito ang panakot sa mga kriminal. At noong Septyembre 2006 naman, nilagdaan ng Pilipinas ang Second Optional Protocol sa International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR). Kinikilala ng kasunduang ito ang karapatan ng isang tao laban sa parusang kamatayan. Ipinagbabawal ng Protocol ang pagpataw ng parusang kamatayan sa sinumang mamamayan ng isang bansang lumagda sa nasabing protocol. Tahasang ipinagbabawal din ang muling pagpapataw ng parusang kamatayan.

Sa pagpapalabas ng mga batas laban sa parusang kamatayan, lalong dumami ang krimen. Lumakas ang mga loob ng mga kawatan na gumawa ng masasama dahil kahit mahuli sila ay makukulong lang din naman sla. Oo, Lang. Bakit? Sa tingn niyo kahit nakakulong yan ay talagang sarado na ang lahat ng lagusan upang hindi na siya makagawa ng masama? Pwede siyang magkaroon ng komunikasyon sa labas ng rehas o ang mas malala ay makawala. Tignan natin? Kahit nahuli na ang utak at pinaka lider sa mga paggawa ng masama, patuloy pa din ang Gawain, dahil nakakawala pa din ang mga galamay na silang nagpaptuloy ng nasimulan.

Ang gara ng batas ng pilipinas. Magaganda nga subalit hindi naisasaayos ang paglalatag. Hindi ganun ka lakas. Madaming namamatay sa ibang bansa, ang iba’y napagbintangan, subalit kahit anong gawin n gating pinuno sa administrasyon ay hindi pa din mapapakausapan. Tingin niyo? Kung ang dayuhan nga walang awang pinapatay ang mga Pilipino na kanilang ginagawang alila, kasambahay na gumagawa sa kanila ng mabuti tapos konting hampas o reklamo lang ay ipinabibitay nila agad. Paano pa kaya ditto sa pilipinas na mismong mga DAYUHAN ang pasimuno sa krimen at pagpapalaganap ng ipinagbabawal? Hindi ba’t walang katarungan doon? Tulog ba ang administrasyon? Oo nga’t DEMOKRASYANG pamamalakad ang meron tayo subalit magpapaapi ba tayo sa dayuhan? Lagi nalang ba tayo ang kawawa? Lagi nalang ba tayong magpapatawad? Nakakasawang mapanuod sa balita ang mga krimeng hindi maresolba at dadagdagan kinabukasan. Putek na buhay, hindi kumpleto kapag walang krimen? Ano yun? Daily habits?

Gumising. Makilahok, isulong ang sentensyang kamatayan upang masugpo ang krimen tungo sa matiwasay na bansa.

 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic

© 2023 by SMALL BRAND. Proudly created with Wix.com

bottom of page