Luzon Nayanig ng 5.4 na Lindol
- Joyce Lago
- Oct 21, 2015
- 1 min read
MINDORO –niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Looc, Occidental Mindoro sa ganap na 9:50 ng gabi nitong Oct. 19, 2015.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, wala namang naapektuhan na mga impastraktura o mga nasugatan sa nasabing pagyanig. Gayunpaman, sinundan ito ng mga aftershocks na naramdaman sa iba’t ibang panig ng Luzon.
Intensity V- Batangas City
Intensity IV- Tagaytay City; Puerto Galera; Oriental Mindoro; Mandaluyong City; Makati City; Pasay City Paranaque City; Muntinlupa City
Intensity III- Clark, Pampanga; General Trias, Cavite; Malolos, Bulacan; Quezon City; Agoncillo, Batangas; Taguig City; Talisay, Batangas
Intensity II- Pateros; Manila; Antipolo City; Lucban, Quezon
Comentarios