Iglesia de Quechula
- Nathalie Grace Adalid
- Oct 21, 2015
- 1 min read
Isang makasayasayang simbahan muling umahon mula sa ilalim ng katubigan.
Kinilala ang simbahang ito bilang Iglesia de Quechula o Temple of Santiago na matatagpuan sa Chiapas sa Mexico. Tinatayang may liman-daang taong gulang na ito at halos tatlong-daang taon na itong nakalubog sa karagatan ngunit ngayon sa iak-dalawang beses na pagkakataon ay muli itong umahon mula sa kalaliman ng karagatan.
Naipatayo ang naturang simbahan taong 1564 ng isang grupo ng mga monghe ngunit inabanduna lamang ito dahil sa kaguluhang nangyari noong 1773 hanggang 1776. Sa ika-dalawang daang taong gulang nito ay bigla na lamang itong nalubog sa katubigan dahil sa dam na ginagawa sa paligid nito.
Halos isandaang talampakan ang inilubog ng Iglesia de Quechula ngunit noong taong 2002 ay lumitaw ito. Sa biglaang pagbaba ng lebel ng tubig na nakapaligid dito ay nasilayan muli ang ganda nang lumang simabahan. Nagawa pa ngang makalakad ng mga turista nag-punta dito sa sahig ng simbahan.
At sa hindi inaasahang pagkakataon, ngayong taon ay muli itong lumitaw mula sa kailaliman ng karagatan. Muli ring nasaksihan ang natatanging gandang inilubog ng katubigan. Daan-daang turista ang di sinayang ang pagkakataong ito ngunit di tulad noong 2002 ngayon ay may kataasan ang tubig na nakapaligid dito na siyang dahilan kung bakit lahat ng dumadayo dito ay mga nakabangka.
Comments