Astronaut Kelly: Pinakamatagal na Nanirahan sa Kalawakan
- Nathalie Grace Adalid
- Oct 21, 2015
- 1 min read
Naitala noong Ika 16 ng Oktubre ang isang makasaysayang bagay sa mundo ng astronomya dahil sa pananatili ng isang astronaut ng 383 araw sa labas ng mundo. Kinilala si astronaut Scott Kelly bilang pinakamatagal na taong nanatili at nanirahan sa kalawakan.
"Records are meant to be broken," ayon sa naipadalang mensahe ni astronaut Kelly sa NASA sa kasalukuyan nitong ika-383 na araw sa kalawakan. Nasungkit niya ang titulong ito mula sa isa pang astronaut na si astronaut Mike Fincke.
Ayon sa NASA noong nag-karoon sila ng press release noong biyernes, "Breaking such a record for time in space is important because every additional day helps us better understand how long-duration spaceflight affects bodies and minds, which is critical to advancing NASA's journey to Mars."
Sa tulong ng kakambal ni astronaut Kelly na si retired astronaut Mark Kelly inoobserbahan ng mga scientist ang kondisyon nila sa magkaibang kapaligiran. Si astronaut Scott sa kalawakan at si retired astronaut sa mundo.
Tinatayang sa ika-tatlo pa nang May babalik sa lupa si astronaut Kelly ayon sa NASA. Paaabutin pa niya ng 522 araw ang kayang pamamalagi sa kalawakan mula noong siya'y umalis, Marso 27, kasama ang dalawang cosmonauts na sina Mikhail Kornienko at Gennady Padalka.
Sa araw naman ng Oktubre 29 muli na naman niya makukuha ang titulo bilang “the single-longest space flight by an American” .
Comments