top of page

PHILVOCS Nakatanggap ng mga bagong kagamitan ukol sa tsunami na galing Japan

  • Frances Aira Acorda
  • Oct 19, 2015
  • 1 min read

Ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay tumanggap ng tsunami-monitoring equipment mula sa Japan International Cooperation Agency para sa pagkilos upang maipatayo ang kauna-unahang tsunami warning system sa bansa. Nangyari ito sa opisina ng PHILVOCS noong ika-15 ng Oktubre.

Ang transaksyon sa pagitan ng dalawang panig ay kabilang sa proyekto na isinasagawa ng JICA na may layunin na mapaganda pa ang kagamitan na gagamitin para sa Disaster Risk Management sa Pilipinas na nagsimula pa noong 2012.

Nagbigay ang JICA sa kinauukulan ng sampung broadband strong motion seismometer, 36 strong motion seismometers, 19 sea-level monitoring system at 240 na intensity meters.Kasama rin sa proyekto ang DPWH kung kaya’t naka-tanggap ito ng walong pumping cars galing sa JICA noong nakaraang taon. Ang kabuuang presyo ng mga bagong kagamitan na ibinigay ng JICA sa PHILVOCS at DPWH ay nagkakahalagang JPY 1 bilyon o humigit kumulang PHP 385 milyon.

 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic

© 2023 by SMALL BRAND. Proudly created with Wix.com

bottom of page