Heneral Luna, ibabalik ang 50% Student Discount
- Stella Mares Sarmiento
- Oct 17, 2015
- 1 min read
Sa ika-anim na linggo ng pagpapalabas ng Heneral Luna, napag desisyonan na ng mga producers ng nasabing pelikula na muling ibalik ang student discount na umaabot ng 50%.
Nais nila itong magsilbi bilang isang "Thanksgiving Gift" para sa mga sumusuporta ng pelikulang boipic na dinirekta ni Jerrold Tarog. Ang patuloy na pagsuporta ng mga mamayanang Pilipino ay naghatid sa pelikula na makamit ang tinawag na break-even point na nagkakahalaga ng 240 milyong piso. Ito ay isang mahalagang apak patungo sa pagpapalaganap ng pagmamahal ng sariling atin.
Nabigyan hinto ang pagpapalaganap ng student discount noong Septyembre 30. Dahil na naibabalik buhay na ang nasabing diskwento, kinakailangan pa rin magtaan ng Student Identification Card.
Bukod sa panunumbalik ng diskwento, inilabas na rin ng mga producers ang balita na maipapalabas na rin ang pelikula sa ibang bansa tulag ng United States of America at Australia. Ito rin ay ilalaban sa 88th Academy Awards sa categorya na Best Foreign Language Film.
Comments