top of page

Where art thou, Gentlemen?

  • Zha De La Cruz
  • Oct 11, 2015
  • 3 min read

Missing: Gentlemen Matangkad, mestizo, mayaman, moreno, matalino at kung anu-ano pa. Iyan lang naman ang ilan sa mga katangiang hinahanap ng isang babae sa isang lalaking kanyang natitipuhan. Pero sa dinami-dami ng mga katangiang iyan ay talaga namang hindi mawawala sa kanyang listahan ang paghahanap niya sa isang lalaking gentleman. Minsan nga ay hindi na baleng hindi gwapo, matalino, mayaman (o kung ano pa 'yan) ang isang lalaki basta ito'y isang tunay at ganap na gentleman ay pupwede na.

Minsan nga ay hindi ko rin maiwasan ang magtaka. Bakit nga ba gustong-gutso ng mga kababaihan ang isang lalaking gentleman? Bakit ba gustong-gusto nila iyong ipinagbubuhat sila ng gamit at pinagbubuksan ng pinto? Bakit ang bilis mahulog ng loob nila sa mga lalaking hindi sila hinahayang mapagod o nahihirapan? Bakit tila isang napakalaking achievement para sa kanila ang makahanap ng sarili nilang gentleman?

Siguro ay nagsisilbi itong isang manipestasyon na sa kabila ng pagiging moderno ng ating panahon ay hindi pa rin talaga nawawala ang mga kaugaliang kinalakihan nating mga Pilipino noong unang panahon. Marahil ay magpasahanggang ngayon ay may iilan pa ring mga kababaihanng hindi mabitawan ang dating kaugalian na palagi silang sinusuyo o pinagsisilbihan ng mga lalaki. Naaalala ko pa noong hindi pa ako ganito kamulat sa mundo, wala talaga akong pakialam sa mga gentleman na ‘yan. Wala akong pakialam kung paunti sila nang paunti o kung tuluyan pa silang mawala. Pero ngayon ay kinakain ko na ang aking sariling mga salita. Ngayon ko lang napagtanto ang tunay nilang kahalagahan at ngayon isa na ako sa mga umaasa na sana bumalik na lang sila. Noon, ang mga maginoo ay pakalat-kalat lang sa daan. Kahit saang probinsya, baryo, maging sa syudad ay lagi silang nakahandang tumulong sa mga kababaihang nabibigatan sa dalang bayong at kahit pa nga kung minsan ay hindi naman talaga kabigatan ang kanilang bit-bit ay kusa pa rin silang tumutulong at hindi talaga nila naatim na nakikitang nahihirapan ang mga dalaga. Pero ngayon? Naku! Ibang-iba! Hindi na sila tulad noon na halos nilikha ng Diyos upang sunduin ang mga kapritso ng mga babae. Ngayon ay halos wala na talaga silang pakialam.

At nakakalungkot mang sabihin pero ang mga kababaihan din naman ang dahilan kung bakit sila unti-unting nauubos na parang mga critically endangered species. Masyado na kasi silang pumapantay sa mga kalalakihan. Hindi nga ba’t kung ano ang kaya ng lalaki, kaya rin ng mga babae? Kaya naman marahil ay naisip ng mga lalaki na kung kaya naman pala silang pantayan ng mga babae ay bakit pa nila kailangang magpakagentleman? Isa na rin sigurong dahilan ay ang pagkukulang ng mga kababaihan sa pagpapakita ng pagpapahalaga nila para sa mga lalaki. Marahil ay naramdaman nilang masyado na silang inaabuso ng mga babae at kung minsan pa nga ay hindi napapasalamatan ng maayos. Kaya siguro, napilitan silang magbago. Defense mechanism kumbaga.

Nakaka-miss talaga ang mga gentleman. Hindi naman sa sinasabi kong ubos na talaga sila pero kung hindi natin sila matututunang palagahan marahil nga ay gan’un ang mangyari. Kaya ating iparamdam na kailangan pa rin natin sila. Dapat din naman kasi nating tanggapin na hindi lahat ng ginagawa nila ay kaya rin nating gawin. Maaaring may mga pagkakataon talagang napapantayan natin sila pero huwag naman sana natin itong gawing dahilan upang maramdaman nilang tinutulak natin sila palayo. Malay natin di ba? Balang araw, dumami na ulit sila.

 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic

© 2023 by SMALL BRAND. Proudly created with Wix.com

bottom of page