Seco Island: Tagong Paraiso
- Nathalie Grace B. Adalid
- Oct 11, 2015
- 2 min read
Isa sa likha ng Diyos ang nag-gagandahang kalikasan. Kasama na dito ang sikat na sikat na Palawan at Boracay isama pa ang mga iba't ibang kweba't bundok sa iba't ibang probinsya sa Luzon, Visayas at Mindanao. Hindi na ito bago dahil na rin sa pagiging archipelago nang Pilipinas.
Bukod sa mga likas na ito hindi papatalo ang Seco Island. Isa itong isla sa Antique na kung saan bihira lamang mapuntahan ng mga turista. Medyo may kalayuan pa ito sa Tibiao, isang lugar sa Antique, kaya siguro walang nangahas na manirahan dito.
Ang islang ito ay isa sa mga itinuturing na kayamanan ng mga taga-Antique. Nagtataglay din ito ng angking kagandahan at kumpara sa ibang beach na sikat di lang sa Pilipinas ang isla ng Seco ay malinis pa at sa sobrang linis nito makikita ang mga koral sa ilalim ng tubig gayon din ang iba't ibang isda na malayang naninirahan dito. Mapapansin din ang ganda ng langit na parang humahalo sa tubig dahil sa halos magkaparehong kulay nito.
Ang isla ng Seco rin ay hindi mapuno. Halos walang imprasraktura sa islang ito, walang bahay, puno at mas lalong walang mga tao kundi ang mga tour guide, mangingisda at mga turista na nais masilayan ang gandang taglay ng isla. Ito ay binubuo lamang ng kulay putting buhangin at iilang bato. Kung susuriin para itong isang magandang disyerto na napapaligiran ng napakalinis na karagatan.
Sa haba nang panahon unti-unting nakilala ang isla. Ayon sa Yahoo Philippines noong 2014 ang Seco Island ay panglimang pinakamagandang mag-kiteboarding sporting sa buong Pilipinas, marahil dahil ito sa lugar na kinatatayuan ng isla.
Naparami pang magagandang tanawin sa Pilipinas. Pilipinas pa lamang ay magsasawa ka na sa mga naggagandahang beach, kweba at mga bundok. Isa sa mga naitagong ganda ay ang Seco Island na kumapara sa ibang paraiso ay bago pa lamang sa mata ng mga turista at pati na rin sa ating mga
Komentáře