Misteryo Ng Panaginip
- Nathalie Grace B. Adalid
- Oct 11, 2015
- 3 min read
Naranasan mo na bang managinip ng mga kakaibang bagay at kung susuriin ay parang may ipinaparating sa atin na masama o mabuting pangyayari?
Ayon sa mga psychologists at biologists ang panaginip ay isang bagay na parang puzzle o palaisipan dahil sa dami ng panaginip na nararanasan natin tuwing tayo ay natutulog. Kung minsan ang mga panaginip na ito ay mahirap intindihin kaya ang ilan ay ginagawan na lamang ito ng iba't ibang ibig ipahiwatig. Samantalang ang mga scientist naman ay tinitiganan ito bilang walang kwentang pangitain o nauukol sa ebolusyon.
Base sa mga nag-aaral nito mayroong sampung uri ng panaginip na halos lahat ng tao ay napanaginipan na:
* Pagkakatanggal ng ngipin- ayon sa mga psychologists ang pagkakatanggal ng ngipin ay sanhi ng sobrang pagkabalisang nararamdaman bago matulog. Sumisimbolo rin ito sa pagkawala ng kontrol ng isang tao sa pinakaimportanteng bagay sa kanya. Ayon pa nga sa mga dream analysts ang pagkawala ng ngipin ay nagrerepresenta ng kawalang kontrol sa realidad.
* Pagharap sa maraming tao ng walang saplot- di man aminin karamihan na sa atin ay napanaginipan ang ganitong senaryo. Ayon sa mga psychologists ang ganitong klaseng panaginip ay nagpapahayag ng kahinaan. Ayon naman kay Ian Wallace, isang dream psychologist, ang nagbabago nang tinatahak sa buhay ang siyang karaniwang nakakapanaginip sa ganitong senaryo.
* Pagkakalapit sa isang artista- halos lahat sa atin ay naranasan ng managinip na kung saan kaharap natin ang ating mga iniidolo. Kung minsan pa nga ay naroon na tayo sa punto na nagpapakasal na tayo sa ating mga hinahangaang artista. Ngunit ayon sa mga dream specialists ang ganitong panaginip ay para sa mga taong naghahangad na matanggap sila sa kung ano man ang tunay na kanilang pagkatao.
* Walang katapusang pagkahulog- ang ganitong uri na naman ng panaginip ay karaniwang bangungot dahil sa pakiramdam ng pagkahulog sa isang walang katapusang bangin o building. Base sa mga psychologists minsan hindi isang bangungot ang ibig sabihin ng ganitong panaginip, nakita nila ito bilang isang gawain na pagpapalaya sa isang bagay.
* Tubig- sa mga panaginip nama'y tubig na makikita masasalamin ang tunay na nararamdaman ng isang tao. Maaaring siya ay malungkot o masaya makikita ito sa kung anong klaseng tubig ang naroon, kung galing ba ito sa isang bagyo, ulan o sa isang dagat o ilog.
* Pagtataksil- Hindi ibig sabihin ay ganitong uri nang panaginip ang iyong napanaginipan ay nangyayari na talaga ito sa halip ay nagrerepresenta ito sa kawalang tiwala at kawalan ng kapanatagan. Base kay Lauri Loewenberg, isang dream psychologist, kaya ito ay napapanaginipan ay dahil pa kiramdam mo na hindi na ganoon katatag ang pagsasamahan niyong dalawa, nakukulangan ka na sa kaya niyang ibigay.
* Pagkuha ng pagsusulit- halos lahat naman ay paniguradong naranasan na ito. Ayon sa mga psychologist kakulangan sa kahandaan ang dahilan kung bakit napapanaginipan natin ang ganitong klaseng mga senaryo.
* Pagkamatay- siguro sa lahat ng pwedeng mapanaginipan ay ito ang ating pinakakaiwas-iwasan ngunit ayon sa mga dream psychologist maaaring hindi negatibo ang ibig sabihin nito. Maaaring pangitain ito ng malaking pagbabago sa buhay ng nananaginip nito. Sabi nga kung
may katapusan ibig sabihin ay may bagong panimula.
* Paglipad- halos lahat tayo ay napanaginipan na ang senaryong tayo'y lumilipad. Ayon kay Wellance ang ganitong panaginip ay sumisimbolo nang kalayaan sa kung ano mang dahilan ng pagkakakulong nito.
* Pagbubuntis- sa lahat ng panaginip na nabanggit ito ang painaka komplikado sa lahat. Sabi nang ibang psychologist ang ibig sabihin nito ay pagiging malikhain o paggawa sa isang proyekto ngunit sabi naman ng ilan na ito ay tumutukoy sa pagiging ina ng isang babae.
Ang lahat ng mga panaginip na nabanggit ay binigyan ng maaaring ibig sabihin ngunit ang lahat ng ito ay base lamang sa pag-aaral na ginawa ng mga psychologist at dream analysts. Hanggang ngayon balot pa rin ng misteryo kung bakit nga ba tayo nananaginip at mas lalo na kung bakit tayo nananaginip ng mga kakaibang bagay ngunit kahit ganoon masasabing ang mga panaginip ay ang pagtakas sa realidad ng buhay.
Comments