top of page

Chico At Pocho

  • Nathalie Grace B. Adalid
  • Oct 11, 2015
  • 2 min read

Lahat tayo ay biniyayaan ng matuturing na kaibigan. Kaibigang siyang nakakapagpasaya sa iyo, nagiging dahilan ng di mo pag-iisa at higit sa lahat siya iyong mag-aalaga at proprotekta sayo bukod sa iyong mga magulang. Ngunit maniniwala ka bang hindi lang tao ang pwede mong ituring na kaibigan?

Sa bansang Costa Rica makikilala ang dalawang magkaibigang na sumikat sa buong mundo dahil sa uri nang kanilang samahan. Isang buwaya at tao ang nagpatunay ng totoong ibig sabihin ng pagkakaibigan, sila ay si Chito, Gilberto Shedden, at Pocho. Si Chito na kinilalang Crocodile whisperer at si Pocho isang American crocodile.

Ayon kay Chito sa Reventazón River niya unang nakita si Pocho. Malapit ng mamatay ang nasabing buwaya dahil sa natamong tama nang baril sa kaliwang mata. Matapos niyang usisain ang kalagayan nito ay nagpasya siyang dalhin ito sa kanyang bahay alagaan habang may sakit at bigyan ng sapat na pagmamahal.

"Food wasn't enough. The crocodile needed my love to regain the will to live", sabi ni Shedden ng nagpasya siyang tuluyang alagaan si Pocho. Mahigit anim na buwan din niya itong inalagaan, sinabayang kumain, itinabi sa pagtulog bago niya inilapit sa wildlife para tuluyan ng ampunin ang kaibigang natagpuan sa tabi nang ilog. Sinubukan naman ni Shedden na ibalik ito sa ilog kung saan niya ito nakuha ngunit ang buwaya ay patuloy na bumabalik sa kanya marahil ayaw na ring mabuhay mag-isa.

Matapos ng lahat ng pangyayaring iyon doon na sumikat ang magkaibigan. Taon din ang kanilang pinagsamahan ngunit lahat nga ay may katapusan dahil taong 2012 ng namatay si Pocho dahil na rin sa katandaan. Inilagak ang kanyang labi sa Siquirres town museum. Mula din noon ay sinimulan na ni Shedden ang pag-aalaga sa isa pang buwayang nakuha din niya sa ilog na pinangalanan niyang Pocho II ngunit kahit ganoon wala pa ring makakapantay sa pagkakaibigan nila Chito at Pocho.

 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic

© 2023 by SMALL BRAND. Proudly created with Wix.com

bottom of page