Blind Mind's Eye
- Nathalie Grace B. Adalid
- Oct 11, 2015
- 2 min read
Naranasan mo na bang magbasa nang libro pero hindi mo maintindihan ang nilalaman nito o di naman kaya'y hindi mo ito mailarawan sa iyong isipan?
Noong nakaraang buwan lamang nadiskubre ang isang sakit sa utak na kung saan kabaliktaran ng Pareidolia, sakit na kung saan masyadong malikhain ang utak, ito ay ang Aphantasia. Ang aphantasia ay isang sakit na makikita sa utak na kung saan nahihirapan ang utak na lumikha ng isang imahe. Karaniwan itong mapapansin kung ika'y nagbabasa, nahihirapan kang ilarawan ang iyong binabasa at mabilis mo ring nalilimutan ang mga pangyayaring nakalagay dito. Nagiging sanhi rin ito ng pagiging malilimutin.
Ayon sa mga napag-alamang mayroon ng sakit na ito sinasabi nilang nahihirapan sila sa pagtanda nang mga bagay-bagay ngunit bumabalik naman ito kapag muli nilang nasilayan ang bagay o taong ito. Nahihirapan din silang mailarawan ang isang bagay sa kanilang isip. Kapag sinusubukan nilang ilarawan ito ay wala silang makita kundi isang malabong bagay. Ang nakakapagtaka lamang kahit may ganito silang kundisyon ay may kakayahan pa rin silang managinip na kung titiganan ay napaka-imposible naman dahil nga nahihirapan silang bumuo ng larawan sa kanilang utak.
Ang aphantasia ay unang nadiskubre noong 1880 ni Sir Francis Galton ngunit noong nakaraang buwan lamang siya tuluyang napag-aralan at naihayag bilang isang sakit. Si Dr. Oliver Sacks isang neurologist ang itinuturing ngayong nakadiskubre sa aphantasia dahil una sa lahat siya ang nakapagpatunay na may ganitong sakit, siya rin ang nagpanggalan dito at siya rin ang naghayag nito sa publiko ngunit nakakalungkot lang na pumanaw din ito matapos na ilabas ang aphantasia sa publiko.Sa totoo lang marami pang pagkukulang sa pag-aaral ng aphantasia. Nalaman na ito ay isang sakit ngunit hindi pa nahahanapan ng lunas dahil na rin sa maaganng pag-panaw ni Dr. Sacks.
Commentaires